220129981.jpg

Hinde ko masasabing dati ko nang ginagawa itong pag blog na ganito, sa totoo lang natutuwa ako dahil onti unti kong nagugustuhan na ang pag gawa nito.

Noon pa man, (sabay patak ng luha sa kanang mata) mahilig na ko mag sulat ng kung anu anong kalokohan, mga kwento, mga bagay na sa tingin ko ay kailangang marinig ng kapwa ko, mga bagay na may kwenta o walang kwenta, mga naiisip kong kawierduhan na maaring may halaga sa iba. Sayang naman! eheheh.

Naalala ko mahilig akong magsusulat ako ng tula- na hinde ko nman matapos, meron din naman kahit konting iba na natapos, pero nde ko sigurado sa sarili ko kung papasa ba ito sa ibang tao, kaya sinasarili ko na lang. Ni-hindi ko na nga rin makita kung saan na yun napunta eh, yung mga tinatagao tago kong koleksyon.

Malamang pinambalot na ng nanay ko ng mga tinapa o kaya ng tuyo, swerte nako kung nagamit syang pang sindi ng mga uling pang bbq – atleast , nagamit sya sa mabuting paraan, at nagkaroon ng silbi ang matagal kong pinag isipang tula. Nagkaroon ng saysay ang kanyang buhay.

Pero ngayun wala akong pakialam kung magugustuhan nyo ang sinasabi ko o hindi. Hindi na importante sakin kung maganda ba o hindi. Gusto ko lang magsalita! Masabi ang gusto kong sabihin.

Hindi ko masabi na seryoso akong tao,para paniwlaaan nyo, dahil marami akong kalokohan. Hindi ko masabi ako ay sirang-ulo kasi kahit panu may mga taong humihingi ng opinyon ko. May mga natutulungan akong mga tao, mga kaibigan, kakilala, at mga taong halos dapat sila ang mas mag bigay ng mga payo kesa sakin in short– oldies.

Tuloy minsan naiisip ko baka naman siguro autistic ako, nde lang napansin ng magulang ko, kasi wala kaming pambayad sa ospital para matignan, ehehhe ewan ko ba naguguluhan ako.

Ito  ang pagkakataon kong magsalita. Masabi ang opinion ko. Ma-i-share ko ang mga bagay na natututunan ko. Makapag bigay ng kuro-kuro, reaction at mga iba pang saloobin tungkol sa mga tao, bagay, hayop, panyayari, opinion at kung anu anu pang panyayari sa buhay natin araw-araw, idagdag mo na ang showbiz, sports, mga behavior (sorry hindi ko alam ang tagalog nito) etc., etc., …

Kahit na hindi ako matalinong tao. (uyy pahumble.. joke.. totoo yun kamote ako eheheh)

Nararamdaman ko may matutunan din kayo sakin.

Sa simpleng pag iisip, sa pag-unawa ng mga bagay, sa paghatol ng simple kong kaisipan. Sana sabay nating pag aralan ang buhay.

“wow, serious ito!”

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment. Login »