Archive for the Gising Pinoy Category

Gising, frend.

Tumatanda ka na, frend.

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.
Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong
child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee
idol noon.

Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly,
tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw
na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo

ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang
best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi
mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung

binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang
pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay,
nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa
tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang umusbong

galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.

Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka
ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng

credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon,
dapat may kasamang italian chicken ang fettucini alfredo mo. Masaya ka

na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon,

ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar.

Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng

ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang

sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong

hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga

gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?

frend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang
sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung

bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang

hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.

Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na

nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.

First of all,

I did’nt mean to ADD FUEL TO THE FIRE!!

It was a forwarded email, Letter Against Filipino not forcing my readers to take it personally, as much as you do!!!. But as my readers you are free to give comments, I respect your opinion, the way you respect mine, I DID’N'T mean any harm to my readers or to mislead them in anyway… actually i’m sharing it to those who HAVEN’T received YET this letter. I believed that my readers have their own mind and good judgement.

In fairness to my readers,
They are all intelligent enough and educated to know what is good or bad.

So to you who posted this info “Meanwhile, here are some list of blogs and websites that still continue to post the HOAX HATE SPEECH AGAINST FILIPINOS. You can visit their website and comment on their post. This is a simple contribution you can do to help this HOAX from misleading more people.

Thanks to you!! for encouraging more readers to my site!!

WELCOME TO MY SITE!!!
I respect your Opinion but as an Author like you, addressing me as ” this HOAX from misleading more people” this is something harsh and very low for someone like you !!! GOD BLESS YOU!!!

Anyway, Please dropped by again soon !!!! Happy reading!!!

Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi aganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.

E ano’ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi. Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai .
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis “Alam mo kung sino ako?”

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi
nyang “Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing nakakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?”

Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan .

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

Ang sabi natin, “Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang
magpapabago sa aking pamilya?”

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga
kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging
masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John ..F.Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:

“Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon.”

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.

Ipasa ito sa lahat ng Pilipino