Wala na naman ako magawa sa life as usual, kagaya ng sinabi ko sa inyo dati, bigyan ko kayo ulit ng review… check nyo tong MARS, baka kasi sawa na kayo sa mga telenovela natin eh..

MARS – may pag ka love story, drama at konting suspense.. story ng Motorbike racer… Masasabi ko lang dito sa story na ito, magaling ang twist ng bawat episode… malalim at medyo sensitive ang pinaghuhugutan ng mga bawat eksena… medyo mahirap hulaan ang diskarte ng mga susunod na manyayari… kung mahilig kayo manood ng mga psycho mystery, baka magustuhan nyo tong kwentong toh.

iStorya:

Natatandaan nyo ba si Vic Zhou (Huaze Lei ng Meteror Garden), Hmm dalawa yung character nya dito,  meron syang twin brother; siya si Ling at si Sheng. Identical twins pero opposite yung personality nila. Mag start tayo kay B1 si Ling, hmm sya yung may pagka reckless, brutal and enjoys racing motorcycles, pero yung si B2, si Sheng, sya yung may paka quiet and reserved, tinatago nya yung nararamdaman nya through his drawings. If may pagka artist ka, baka magustuhan mo tong story na toh. May pagka independent yung kambal when it comes sa relationship nila bilang magkapatid, meaning magkaiba yung mga pagtingin nila sa mga bagay, mga pananaw at diskarte sa life, pero close sila ha.

May girl na dumating sa life nila ang name ay si Sha Zhi, nagulantang ang life nila, nagkagusto at nainlove ang kambal sa iisang babae, hmmm magkakagusto na nga lang, sa iisang babae pa, Haaay na ko pag – ibig nga naman!

Ito ang nagtest sa relationship nila bilang mag kapatid to breaking point. Hindi matanggap ni Sheng kahit na Gf na nya si Sha Zhi mas ginusto ni Sha Zhi si Ling ang kanyang kakambal. Masasabi ko lang sa kanya ay “Malandi! Haliparot !!” ehehehe  then ayun nag suicide si Sheng. Nde maganda ang pakaka suicide nya, panu tumalon sya sa building, o diba, na traumatized ang kapatid nyang si Ling syempre ba nman, makita mo nga naman  ang iyong sarili na patay (dba nga identical twins, eeeews katakot ) so ayun affected si Ling by guilt sa pagkamatay ni Sheng, na trauma at nag breakdown dahil sa kalandian ni Sha Zhi, feeling nya siya ang dapat sisihin sa dahilan ng pagpakamatay ng kanyang brother dahil mas hindi matanggap ng kanyang twin na mas nagustuhan sya at mas minahal ng kanyang malanding Gf na si Sha Zhi na unag naging girlaloo ni Sheng, Kya naman umabot sa pagpapa-therapy si Ling sa mental institution ng two years sa nanyari sa kanyang brother dear.

After na makalabas sya sa Mental, nakilala nya si Qi Luo (Barbie Hsu, si Shan tsai) syempre  anu pa , eh di naging romantically attached sila, naniniwala sila na magkakatulungan sila at makakalabas sa mga nakakatakot na mga  trahedya sa kanilang past at magakagawa ng new life.. ohaaaa maganda kasi yung nahanap nila yung someone na nakakasama nya para makagawa ng bagong life!! cool !!! ahahaha

Characters: 

  • Chen Ling – Vic Zhou

Sya yung extrovert playboy na may destructive character, si Ling ang nakikipag karera ng  motorcycles sa professional circuit. Yung twin brother nyang si Sheng ang nag- suicide three years ago at ang dahilan kung bakit pinadala sya mental institution, dahil shattered sa pagkamatay ng twin brother.

Simula ng pamasok sya sa University, sikat na si Ling , syempre kasi sa pagiging professional circuit racer, gwapo at kinikiligan ng mga chicks, pero nahihirapan padin sya magkaroon ng serious relationship. Syempre takot pa din sya mag love ulit, sa past na nanyari sa kanila ni brother Sheng,  Pero, subalit, datapwat after nyang makilala si Qi Luo, napalapit sya sa kanya at ginusto na nya syang protektahan. Mabait naman sya infairness, pero nakakatakot kasi minsan parang inaatake parin sya ng topak… as in yung pagkapraning nya, kya medyo weirdo.

  • Cheng Sheng – Vic Zhou sya pa din..

Ling’s twin brother at passive artist, sya yung nagcommit ng suicide ng mga last year of junior high nila . Si  Ling yung tipong ni-raised para protektahan sya, kasi nga medyo sya yung tahimik at weak version ni Ling. Wala ako masyadu masabi kasi nga medyo onti lang yung part nya, kasi patay na agad sya sa kwento more on flash back lang sya ehehehe.

  • Han Qi Luo – Barbie Hsu (Shan Tsai)

Sya yung aspiring artist, Nakatira si Qi Luo sa kanyang mother; namatay na yung tatay nya nung bata pa lang sya, sa isang car accident na involving motorcycle gang. Kya syempre mega trauma din sya sa mga taong kagaya ni Ling. Ni-raped sya ng stepfather nya nung 16 years old pa lang sya, pero nung nalaman ng nanay nya, nakipag hiwalay na agad ang nanay nya at namuhay silang mag-ina. Dahil dito sobrang na praning din si Qi Luo sa nanyari sa kanya nde na nya na enjoy ang kanyang social life…traumatic… hanggang… umabot na sya sa pagiging man hater. Ni hindi nga sya nakikipag-usap man lang sa mga lalake.. pero, yung chance na nakilala nya si Ling , siya ang nag tulong sa kanya makipag deal uli sa mga kalalakihan at maging matapang.

Ibang iba ang character ni Shan Tsai dito, may pagka weird at sobrang pagka-conservative… hay nako marami pang trauma ang inabot nya dito.. mas maganda if kyo ang makakapanood, at masasabi nyong kawawang bata.. ehehehe

  • An Da Ye

Best friend ni Ling, na may crush kay Qi Luo simula ng junior high. Hmm mag classmate sila ni Qi Lou dati, pero ang alam lang nya, may paka weird talga si Qi Lou at sobrnag mahiyain, pero hindi alam ang tunay na dahilan kung bakit ganun si Qi Lou. Dumating yung time na talagang wala syang pag asa kay Qi Lou sa love triangle nila ni Ling kya nag give up na lang sya. Alam din nyang gusto ni Qi Lou si Ling  kya nagpaubaya na lang ang martyr. Pero, isa rin sya sa mga taong tumulong para magtagal ang relasyon ni Qi lou at si Ling. Isang martyr! sa pagmamahal kay Qi Lou.

  • Fan Tong Dao

Tong Dao ang lalakeng bruha na bisexual at effeminate sociopath nanggaling sa rich at kilalang family. Medyo weak yung character nya dito na laging binubully at umaasa lang sya lagi sa kanyang abusive na bestfriend niyang na si Qing Mu para protektahan sya. Na-save na sya dati ni Ling, pero hindi na masyadu ito matandaan ni Ling kasi medyo hindi naman yun sinasadya, galit lang si Ling nung time na yun dahil sa pagkamatay ng kanyan kapatid, so hindi sinasadya yung paggulpi ni Ling sa mga taong nang bubully kay Tong Dao. Nung bandang huli hindi na rin nakaya ni Tong Dao ang panaggagawa ni Qing Mu sa kanya kya pintay nya ito at naging stalker ni Ling, at mega admit at openly sinasabi nyang crush nya si Ling. Eeewww ahahahah bakla ang bruha!!! na may crush din sya kay Qi Luo, yikes ahahaha na feeling nya sagabal na makuha nya ang affections ni Ling kya maraming beses din nyang pinlano na patayin si Qi Lou.

Medyo  natatakot at sa pagiisip ng character na toh. Pero nakakatawa dito kasi medyo mapapansin mo yung damit nya ahahah.

  • Lai Qing Mei

Babaeng classmate ni Qi Luo at Ling, sobrang  “na-in love” kay Ling simula ng naka-one night stand nya ito nung freshmen year palang nila. Pinahirapan din nya si Qi Luo nung mga unang episode gamit ang kanyang mga psychologically brutal attacks dahil sa selos nya, dahil alam nya na mas gusto ni Ling si Qi Lou pero nung tumagal at nakilala nya si Qi Lou sya ang naging solid at protective best friend…

Sya si Mimi sa Meteor Garden 2, partner nya yung best friend na lalake ni Shan Tsai ; si Qing He

  • Sha Zhi

Based sa mga episode ang pagka describe sa kanya ay extremely cute but manipulative girl from Ling’s past, sya yung girlfriend ni Sheng, pero iniwanan si Sheng para sumama kay Ling. Ouuccch sa kapatid pa, Sinisisi nya rin ang kanyang sarili sa pag-suicide ni Sheng pero todo habol kay Ling.

Themes

Sa kwentong Mars pinag uusapn dito ang dark at mga morbid issues, nabanggit dito ang  mga social taboos kagaya ng mental illness, sexual harassment, suicide, pati ang murder pero naniniwala pa rin sa PAG ASA na magkakaron ng pagbabago, hanggang tayu ay nabubuhay hindi tayu dapat mawalan ng pag-asa.

  • Mental Illness – Nanay ni Ling, Si Ling at si Tong Dao kinailangang ipasok sa mental institution. Subalit si Ling lang ang kahit paanu ang nakapag-managed para lumaban sa kanyang destructive mental state while yung nanay nya at si Tong Dao, hinayaan nila na lalo silang  malunod sa despair and hopelessness.
  • Sexual harassment – medyo kakaiba ito sa ibang mga dramas ng mga Taiwan dahil  pinag- usapan dito yung mga sexual issues sa sensitive and delicate manner. Qi Lou victim ng rape at harassment.
  • Suicide – Nanay ni Ling at yung kapatid nya na si Sheng mas pinili mag-suicide kesa harapin yung reality at mga problema ng life. Pinapakita din dito yung feeling ng mga naiwan, sa mga gantong trahedya ng buhay at kung paano ma-express at diskartehan ang grief of loss at makarecover sa heartaches of abandonment.
  • Murder – sabi nila dito ito daw ay weapon to fulfill ones’ desire. Yung nanay ni Ling st Sheng gusto silang patayin nung bata pa sila out of love at possessiveness para maprotektahan sila. Tong Dao pinatay nya yung bestfriend nyang si Qing Mu sa complex reasons; revenge, freedom, boredom ang weird diba.. Ling gusto nyang pumatay para lang makaganti at protektahan si Sheng yung part na nasa LA sila. Sa murang edad hindi sya natatakot pumatay ng tao. Sinabi rin ni Qi Luo kung paanu nya gustong patayin yung stepfather nya ng paulit ulit sa mga  nightmares nya, para mawala sa mundo yung pinaka ayaw nyang taong na mabuhay sa mundo.
  • Hope – ang pinagkaiba ng destruction at rebuilding; kila Ling at Sheng; Qi Luo at Tong Dao. Yung part dito na nagreflect si Qi Lou sa sense of hope yung nagcontemplate siya na kahit na gaanu man daw kalaki ang sandcastle na itayu mo, maisisira at masisira din daw ito pagdating ng panahon, matatamaan ito ng alon at guguho. Pero nung sinabi at nireassures ni Ling kay Qi Lou na kahit anu man ang manyari, kahit na ilang ulit na masira yung sandcastle ay sabay naman nilang pagtutulungan para gumawa ulit ng sandcastle kahit na ilang beses pa kung sakaling manyari yun. Pinapakita dito na hindi man sila maka-iwas sa destructive at tragic events na manyari sa kanilang buhay, pero hanggang magkasama sila, at they have each other sabay nilang haharapin ang mga ito kahit na anung man ang dumating, naniniwala silang makakabangon sila at mag susurvive sa anumang hamon o pagsubok na darating sa kanilang buhay.

Haaaaaaaay !!! try nyo sya..

3 Responses to “New Review… MARS – Taiwanese Drama”

  1. Pati Playboy says:

    Hello Super arts about Pati Playboy

  2. jefferson says:

    ganda pla ni2 panoorin ko nga

    salamat po

  3. chariszma says:

    i like the story..try ko nga…ask ko lang bakit MARS ang title?…what’s the meaning behind it..?..:P

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment. Login »