My little bride - kdrama, romantic comedy
Posted by: Dakilang Pasaway in Bloggie-Topia, Kamote ReviewKwentong Kamote:
Noong unang panahon hmmm not so long naman masyadu.. well pakiramdam ko may mga conservative pa rin na mga chinese, korean etc.. yung naniniwala pa rin sa mga tradition na pinagkaksundo ang kanilang mga anak, apo etc sa mga kaibigan, kainuman at kayosihan etc..
So pinapractice parin yung arrange marriage.. so etu yung isa sa kwento nayun…
Boeun (Moon Geun young) hmm sya yung batang si jenny sa Autumn in my heart… isang normal na high school girl na nag iisip para makapasa, makapag college at magka crush sa kapwa istudyante.. oh diba ang simple lang ng buhay pag bata ka… crush nya yung sikat na baseball player sa Skul nila na si Jungwoo.
Isang araw, yung lolo nya napraning at naalala ang sumpaan ng kaniyang ka tong its.. joke.. yung kaibigan nya nung panahon ng Korean War pa na pagdating ng araw sila ay magiging in-laws… Sa maniwala man kayo at hindi naisip nila yun nung panahon ng gyera… ganda diba… tipong ” Pare pag asawahin antin ang ating mga anak!” .. sabay mga explosion ng mga bomba… tapus habang bumabaril.. “Oo ba, pre.. no problem.. ” waaa kainis… Sa kapanahunan nun nagkaron sila pareho ng lalakeng anak.. nyahahaha goodluck.. nde pde.. nde pa legal ang kasal ng same sex marriage nyahahah so hinintay nila na magkaapo sila.. na npaka ganda din.. hanggang sa apo ang pangako nila dahil nga namn nde pde 2 lalake diba… so, nag inarte ang lolo nya para maipakasal sya kay Sangmin (Kim Rae Won).
Hmm, Oo naniintindihan ko kayo, nde nyo kilala sila sa pangalan, kagaya ko etu ang clue para maisip nyo sinu sya eheheheh, si Kim Rae won, ay si brad pitt sa tunay na buhay, ahahaha joke lang … easy lang po… hmm sya yung bida na lalake sa Love Story in Harvard.. Dustin Kim hmm naaala nyo ba? hmm anu p ba clue, teka isip pa ako… Attic Cat na nde ko napanood hmm basta sya yun.. nahihirapan naman ako mag paliwanag ehehehe .
Kahit na ayaw nila magpakasal hmm napilitan sila dahil sa lolo ni Boeun, nagsakti sakitan ang lolo para mapapayag ang 2, hmm kahit simula pa ng pagkabata hmmm mag kaibigan na sila,, ang problema lang ay matanda na si Sangmin ng mga 10 years lang namn halos kay Boeun, so mga 15 years old na bata sya na ikakasal sa 25 yrs old na lalake… ahahaha.
Since pumayag na nga sila sa arranged marriage ng mga matatanda… at nagpakasal sila ng lihim para sa pamilya, kamag anak at closest friends lang… nde alam sa skul na nagpakasal na si Boeun maliban sa kanyang best friend, hmm ang isa pa palang nakakaalam sa secretong ito ay yung principal na parang under ng lolo ni Boeun sa ranggo ng sundalo nung panahon ng war… Nung una Boeun sobrnag tago yung married life nya at nagmamaganda na parnag nde sya kasal at nakikoag date pa dun sa kanyang naging boyfriend n crush nya na si Jungwoo.
Ok naman lahat hanggang.. ahahaha syempre para sumaya, na assign si Sangmin bilang student teacher sa skul ni Boeun, nyahhaha student nya yung asawa nya, nyahahah. Student teacher sya sa art class. Nakaktawa dito yung isang teacher na sobra magpakita ng motibo kay Sangmin ahahaha… since secret ang relasyon nila bilang mag-asawa maingat sila sa pag tago. Maraming nanyari na dapt nyong panoorin, mga pangyayari kay Boeun, na maiintindihan mo dahil bata pa sya.. na tama lang gawin nya.. Mga pinaggagawa ni Sangmin dahil matanda na sya, mga selosan, mga pa cute, mga dahilan bakit sila naprisinto ahahaha….
Syempre, maganda ang ending.. dahil ganun pla yung feeling pag asawa mo na… ahahahah maiintindihan mo, sinasabi ko papanoorin mo ito… harharhar…
** Rate 1- lowest - 10 perfect **
*** 7 - story
*** 6 - kilig
*** 7 - lesson
note: hmm pero maganda sya, pang teens, pang pakilig… pero kung may kilig moments ka sa mga gantong klase ng story.. pde na ito..

Entries (RSS)
July 23rd, 2007 at 8:56 am
This is exactly what I expected to find out after reading the title le bride - kdrama, romantic comedy | The Adventure Of Super Kamote. Thanks for informative article