kwentong holdap
Posted by: Dakilang Pasaway in Bloggie-Topia, Kamote-ism, Mahiwagang KamoteBoy1: Grabe! Nholdap ako, muntik pa ako namatay!
Boy2: Bat hindi ka humingi ng tulong?
Boy1: Nag-text nga ako sa Pulis station e..
Boy2: Anu sabi?
Boy1: Hay naku.. etu ang reply “Hu u?”
Hmmm gaanu ba kabilis ang mga pulis natin dumating pag may mga action o mga kaganapan? hmmm kung minsan nde mo ba naririnig yung mga kwentong pag may sunog, pag dumating yung bombero minsan wlang dalang enough na tubig? hmmm e panu pa kaya kung yung mga pulis na lasing na pagdating ng gabi… Hmm minsan sila pa yung mga masterminds ng mga kalokohan… hmmmmm nde sa wala na kong tiwala sa mga pulis.. pero dba totoo naman mas nakakatakot pa sila kesa sa mga magnanakaw…
Noong unang panahon (yikes lalabas ang edad) at uso pa ang mag stroll sa parte ng greenhills masaya kaming umiikot noon, kahit may konting alcohol sa katawan nde naman lashhhing.. totoo kasi alam mo pa ang nanyayari sa paligid mo..
Puno kame sa sasakyan nung oras na yun … 6 kame nun.. nung nasa bandang San Juan na kame.. sa may N. Domingo.. may nakasabay kaming police car.. wow in fairness maganda pa yung kotse nde yung lumang model ha.. tapus nakatabi namin sila, alam mo yung pde kayong mag ngitian anytime, kasi nka stop kami, dahil sa traffick light. Natakot ako kasi sa pagtingin mo palang sa mga mata nila, namumula at parang hindi na talga sila normal… ahaaa high!! or lashing… Yun ba ang tamang term para sa kanila? Hindi nyo maiiwasan magkakwentuhan sa loob ng sasakayan ang pdeng manyari sa sa mga oras ng pagkkataon..
Una sa kakasabi namin na talagang halata sa mukhang kakaiba ang mga paniki nayun.. wala pa atang tulog dahil sa kakabantay ng kanilang nsasakupan, o talgang high na! Nanaramdaman ko na na may kakaibang manyayri…
Green lights!! Go!
Andar na kame nun, pinag uusapan na namin na wag nang mang inis dahil mukhang iba ang tama ng mga parak na yun..
Mapapansin mong ayaw nilang pumayag na maunahan sila.. kahit nde ganun kalaki ang kalsada ng N. domingo e ayaw nila ng mabilis at mabagal basta sa likod ka lang nila, bawal ang mag overtake.. well kame deadma.. hangang.. bigla kaming pinara.. awwwwww!!!
Pagdating sa ganyang pagkakataon:
1) Wag kayo lahat bumama ng sasakyan.. – siguraduhing may bantay sa kotse
2) Siguraduhing tignan mabuti ang mga pinaggagawa ng mga pulis sa iyong sasakyan.. kung sakaling mag iinspeksyon..
3) Pag sakaling sinabi na may nakita sila sa kotse mo, at tlga namang nde sa inyo.. may karapatan ka ipaglaban ang sarili mo.. pero easy lang kasi pde ka nila pag initan..
4) Pag kinuha yung lisensya mo at kinasuhan kang swerving, sa di malamang kadahilanan tanung mo muna anu po ba meaning ng swerving.. sigurado nde rin nila alam yun…
5) Wag ka magbayad.. kung sakaling ipapatubos sayo yung lisensya mo… ibigay mo n lang para malamn mo din ang pangalan ng lokong parak na addik nayun.. pero siguraduhing may konection ka kahit panu.. mahirap kasi ang abala e..
pagkuha mo ng lisensya punta ka na agad sa prisinto at hanapin ang chief niya at magsumbong..
ayun nde ko alang alam nayun if nasuspinde na sya o talagang nawala na sya sa pulisya.. pero maging aral sana ito sa inyo.. MAY KARAPATAN KA!!

Entries (RSS)