Hay nako!

Sa sobrang addict ko na sa kakapanood ng mga walang kamatayang mga series na yan akalain nyo bang nde ako natulog ng more than 24 hrs para lang matapus yung pinapanood ko nde ko kasi gusto nde natatapus ang bagay na dapat tapusin.. kaso parang kalokohan na ito! ahahahah lumubog, sumikat na ang araw natitig pa din ako sa monitor ko… pinipilit ang aking sarili tapusin ang kwentong ito… kain at wiwi lang ang pahinga!! pero para saan? hmm sabihin mo ng sirang ulo ako! pero ginagawa ko ito dahil sa pag kakataong ito.. may nag babasa sa site na ito ng mga review na ginagawa ko.. tulad ko may mga taong nawiwili sa mga kwento na sa tingin ko ay corny.. pero natututo sa hindi ko maipaliwanag na paraan… psychological growth?.. maari!… pagmamahal sa kapwa?… maari.. pagmamahal sa sarili?.. maari… pero sa bawat istorya siguradong may matututunan ka!….

“Oo! tama ka!”

wala akong nagawa!

Sa katulad kong bato ang puso, jologs mag isip at may katangahan… hmm masaya na ako sa mga natutunan ko sa mga kwentong napapanood ko!

Putcha!

Pagkatapus ko nde matulog ng halos 1- 1/2 na araw… binigyan ko ng prize ang sarili ko!

Binigyan ko ang sarili ko ng isang kakaibang premyo! kumuha ako ng unan… at sinabing …. bukas luluhod ang mga tala…. nyahahaha akalain nyo bang nakatulog ako ng napaka sarap na 15 hours..

Pag gising ko. pakiramdam ko.. superhero ako! Talo ko si superman! walang sinabi si shaider! ahahaha

Ikaw kelan mo binigyan ng premyo ang sarili mo?

Trabaho ka ng trabaho.. para makaipon ng pera… para san pang ospital mo? sa pagod at pang aabuso sa sarili mo?! panahon na para alalahanin mo, ” kung ang makina nga nag ooverheat” … katawan mo pa!! gudluck sa pero mo! nde mo madadala yan sa other side!!

2 Responses to “Wow 15 Hrs!”

  1. Eina says:

    Hala…ano ba ang pinanauod mo ng 15 hours o_o;

  2. Dakilang Pasaway says:

    nanood ako ng devil beside you, ehehee kakaiba…

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment. Login »