Hmm bakit ba nauuso ang hold up ngayun?

Just within this week, there are about  3 cases nang mga taong narinig ko na nahold up, at dalawa dun ay taxi related.

Hmm sosyal na ba talaga nayun ang mga holdaper? Infairness, dahil dito naniniwala ako na talagang tumataas na ang antas ng mga PILIPINAS akalain mong kahit mga holdaper e tumataas na ang level.

Ayokong isipin na ang mga holduper ay mga naka neck tie at naka long sleeves. Nampusa!

First, si…. baka magalit pag sinabi ko name nya dito, naglalakad sa may timog area. pauwi ng bahay tapus  may isang taxi na sumusunod sa kanya, dahil nga malayo sa pag iisip nya na nasa taxi ang bibiktima sa kanya, deadma. Bigla syang hinablot at pinilit makuha yung shoulder bag nya. Dahil nagtangka pa sya sanang makipag  agawan sa bag nya, ayun nakaladkad sya sa kalsada. Syempre nakuha yung bag nya at marami syang mga sugat. Mabilis ang pangyayari hindi na nya nakuhang sumigaw sa panyayari.

Second, si…. nde ko din sasabihin, naglalakad sya sa may kamias road nakataxi din ang bumiktima sa kanya. Nakuha yung pera nya na pang tuition at digicam at cell phone at pera at mga ID’s.

Third, si…. hmm secret uli, sa bus naman.. grabeeeeee anu ba yan.

Ganyan na ba talaga katalamak ang holdupan dito sa Pilipinas?

Mga chong at mga chang, sana naman e mag inggat kayo!! Hindi na pumipili nang oras o nag lugar ang mga nak-ng-putakteng mga holdaper na ito.

TANDAAN

  1. Kung mainggat kayo paki double o kaya tripple. – kung pede lagyan nyo ng number code o kaya padlock yung mga bag nyo e gawin nyo.
  2. Wag na kayo masyadung mag pa obvious kung may pera kayo.- yung iba namn kasi kala mo bibilin ang kalsada, makapag pasikatlang sa tropa eh.
  3.  Iwasan nyo mag punta sa madilim na lugar na malapit sa kalsada o iskinita. – na gegets nyo ba sinasabi ko, alam nyo na ngang madilim dun parin kayo dadaan, pag kung sakaling naka sasakyan yun easy access yun. Siguradong kahit takbohin mo pa yun e nde ka uubra sa bilis nila.
  4. Kung pede lang sa mga girls, wag na kayo masyadong magdala ng kung anu anong bagay na hindi naman importante. – wag na kayongmagdala ng mga digi cam – wla kayo sa zoo or museum para magpicturan. Alam ko capture moments pero sana kaya nyo rin yang sabihin sa magnanakaw.
  5. Kung pede na wag na kayo magdala masyadu ng more than 1 cellphone. Alam ko na may iba jan na kala mo eh walking customer service na halos lahat ng network e merong sim card. Yung dalawa sigurong cellphone maiintindihan ko pero yung lumagpas pa dun.. Addik ka?!
  6. Iwasang makipag friendship sa mga taong hindi mo kilala. – Anu ka ba retarded nde ka ba nasabihan nung bata na “Don’t talk to strangers!?”
  7. Maging tagapagmasid. – nde namn  yung tipong paranoid, kasi nde ka tatabihan ng tao baka namna akalain naka takas ka sa MENTAL.Yung sakto lang.
  8. Maging Alerto – sows! pasosyal ka pa at di mapaawat sa kayabangan para lang mapunta sa iyo ang attention ng crowd sa gimick, tapus hinohold-up na pala yung mga nasa paligod mo.- Helu!!!!!
  9. Subukan kumuha ng attention ng ibang tao para naman siguro e may Tumulong sa IYO! WAG NANG LUMABAN kung sa tingin mo e talgang wla kang kalaban laban!
  10. Ang huling payo na pde ko ibigay sa iyo ay…. Wag Tatanga Tanga!!

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment. Login »