Mga Chong,
Senxa na nde ko tlga maupload ang mga pictures dito ng maayus eh.. kya sa mga may balak mag usisa.. dito nyo na lang tignan
http://www.flickr.com/photos/superkamotecom/
enjoy =P
Mga Chong,
Senxa na nde ko tlga maupload ang mga pictures dito ng maayus eh.. kya sa mga may balak mag usisa.. dito nyo na lang tignan
http://www.flickr.com/photos/superkamotecom/
enjoy =P
Musta na mga repapips! Ayus pa ba kayo?
Sa mga sumusubaybay nga pala sa The Adventure of Super Kamote.. pasenxa na nayun lang uli ako nakapag kwento sa inyo medyo matagal na nga pala itong Vigan adventure ko kaso nayun ko lang na ishare..
Madami pala akong pinuntahan at nagpaka photographer na naman ako…. wish ko lang talaga! Ma-appreciate nyo ang mga nakuhanan kong mga kakaibang lugar….
etu yung bridge Vigan. Sabi nila nasira daw toh dati nung bagyo… sabi nman ng iba pag recite mo daw Lupang hinirang ganun din daw kahab ang pagtawid mo sa bridge na toh.. pero huli na ang lahat nung nalaman ko yun kasi nakabalik na ako sa Manila nung nalaman ko ang istorya nun ehehehe…. di ko tuloy n try
etu pa yung ibang mga pictures, nde ko maayus dito e pasenxa na… http://www.flickr.com/photos/superkamotecom/
Gising, frend.
Tumatanda ka na, frend.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.
Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong
child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee
idol noon.
Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly,
tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw
na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo
ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang
best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi
mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung
binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang
pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay,
nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa
tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang umusbong
galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.
Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka
ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng
credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon,
dapat may kasamang italian chicken ang fettucini alfredo mo. Masaya ka
na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon,
ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar.
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng
ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang
sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong
hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga
gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Saan ka ba papunta?
frend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang
sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung
bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na
nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.