Silence Review — Starring Vic Zhou & Park Eun Hye
Posted by: Dakilang Pasaway in Bloggie-Topia, Kamote-ism, Kamote ReviewSilence Review
kwento ng love story ng isang mute (pipi) getz ? =) so medyo ok n tayu sa title . Maganda yung story kasi parang great love sya, promise ng mga bata. Nakakatawa dito yung destiny, yung laging magkikita yung dapat magkita. Hmm sad kasi merong sakit.. liver cancer.. nakakasad din yung part na anu ang pipiliin mo, yung love dahil sa utang na loob or yung love na nararamdaman mo… ohaaa
Dun sa totoong story na napanood ko.. ang name nung bida si Qi Wei Yi ( si Vic Zhou ang bida a.k.a Huazi Lei ng Meteor Garden) so, syempre mayaman na nman papel nya, isa sa mag mayaman na nag mamay ari ng ng malalaking kumpanya. Ang taong nasakanya na halos ang lahat sa mundo.
Nag start yung story nung 12 years old pa lang si Qi Wei Yi ( ang hirap namn kelangan kumpleto bat kya ganun noh? eheheeh isipin mo sinisigaw pati apelyido mo eheheh) nag champion sya sa isang swimming contest, tapus may nag selos tapus nagkagulo ayun nabalian si Wei Yi ng binti, so dinala sya sa hospital, kung san fist time nya nakita si Shen Shen. Yung kapitbahay ni Shen Shen na si Zou Jun, pinilit sya na hindi pumasok para maggala, hindi pa uso Dota sa kanila at ibat ibang computer games kya yun lang ang kaligayahan nila ang maggala kaso na aksidente sila nun sakay ng smokebelcher na na Manila bus na kinakain na ng kalawang, sa lakas ng impact ng accidente na yun, hindi na nakapagsalita si Shen Shen, hindi ako doctor kya nd eko ma explain sa inyo mabuti panu pero ayon sa director kelangan mawalan ng boses si Shen Shen or else papalitan ang title. Kinakailangan na mamatay ang nanay ni Shen Shen para mas lalong nakakalungkot. Namatay ang nanay si Shen Shen sa isang car accident uli. Papunta sa trabaho yung nanay ni Shen ng biglang nabangga sya ng sasakyan. Hmm malamang sa EDSA banda yan, bawal tumawid nakakamatay… Sa sobrang guilty ng pamilya ni Zhou Jun at awa narin, promise niya na aalagaan si Shen Shen hanggang sya ay nabubuhay. Namatay na kasi yung tatay ni Shen Shen, so meaning ulila na sya.. Mabait naman yung pamilya ni Zhou Jun at inampon na nila si Shen Shen. Mag ama nalang din namn sila kya ok na na mag sama sama sila.
Nung nalaman ni Shen Shen na all by herself na lang sya, nagtatago sya sa isang lumang bahay sa may hospital para dun murahin si Zhou jun (joke lang nde totoo) dun sya umiiyak sa nanyari sa buhay nya. Lagi namn sya hianhanap ni Zhou Jun kaso halos parang sya lang ang nakakaalam ng secret na lugar na yun.. na hindi naman tumagal ay natuklasan ito ni Wei Yi. So ito ang naging secret place nila para maging close na magkaibigan sial Wei Yi at Shen Shen na nakapagbago ng kanilang destiny. Nung mga panahon nayun hindi ma getz ni Wei Yi na pipi pla si Shen Shen, kya nag susulatan na lang sila. Meron dung parang secret na bato na dun sila nag iiwan ng mga letters sa isat isa.. wla pang txt nun kya yun ang ginagawa nilang taguan ng mga sulat nila na nauwi sa pure love na nadevelop sa murang edad na 12 yrs old. Mga 1 week silang magkasama sa hospital kya halos na nagugustuhan na nila ang isat’isa, nagpapalitan ng lunch, dinamayan ni Wei Yi si Shen nung namatay yung nanay nya pero at binigyan ng mga supporting words na nanjan lang yung nanay nya sa mga stars at nakabantay sa kanya, so talagang naging close sila sa maikling panahon na iyon dumating na yung time na pde nang makalabas si Wei Yi.. since gusto ni Wei Yi na malaman kung gusto rin sya ni Shen Shen.. kaso nde nga nga masabi ni Shen Shen na gusto rin nya si Wei Yi nung mga panahon na yun dahil sya’y pipi at nde namn na obvious ni Wei Yi ito, nag promise na lang sila sa isa’t isa na isulat yung sagot sa papel, at mag kita ng Chritmas day dun sa secret place nila pagdating ng 25 yrs old na silang dalawa para malaman ang sagot.
Binigyan ni Wei Yi si Shen Shen ng phone number para tawagan sya kaso panu nga? sinubukan ni Shen na tumawag sa kanya kaso nga nde namn sya makapag salita at hindi nya ma explain kay bobong Wei Yi na pipe sya so nabale wla na iexplain kay Wei Yi ang situation. Pero simula nun laging hinihintay ni Wei Yi yung tawag ni Shen umaasa na matawagan sya.
Sa mga hindi inaasahang mga panyayari sa life, lalo silang nagkalayo at nawalan na talaga ng way para sila ay makapag usap. Lumipat na sial Shen Shen ng bahay kasama ang pamilya ni Zhou Jun at ganun din si Wei Yi. Nung umabot na sila sa tamang edad base sa kanilang pangako pagdating ng 25 years old.. dito nabago ang destiny nilang dalawa…
Si Wei Yi ay naging isang business professional at naging CEO ng kanilang kumpanya. Nabuhay sya ng hindi nakakaharap ng problema at sentro sa kanya ang mundo kya lumaki syang super bossy attitude. Sya ang batas, pag sinabi nya yun ang masusunod at walang pde managtwiran sa kanya. Sa di inaasahang araw, may tinaggal sya na senior employee nya na pinagbintangan nya na hindi nakakapag trabaho sa tamang oras.. feeling nya ninanakawan at dinadaya ang oras ang kumpanya nila ng 10 mins araw araw kya nya tsinugi ang matanda, na hindi nman nya alam ay iyon pla ang tiyuhin ni Shen Shen na kanyang childhood sweetheart na pipi.
Para makaganti pinuntahan ni Shen Shen yung kotse ni Wei Yi na hindi rin nya pa nakikilala na yun angkanyang boylet noong araw… binuhusan nya ng soup yung kotse nito, nakinaisin namn ni Wei Yi na CEO. Di tumagal ay lagi silang pinagtatagpo ng panahon, dahil dito kahit na nde nakakapagsalita si Shen Shen, natutuwa sya dito dahil sa kanyang mga katwiran, pang iinis, tapang at sa simpleng buhay ni Shen Shen, na kahit na hindi sya nakakapag salita ay nagugustuhan na nya ng onti.
Dahil sobrang swerte ni Wei Yi buong buhay, dumating yung time na wag naman sobrang swerte, give chance to others, nalaman ni Wei Yi na sya pala ay may liver cancer at may 3 months na lang na mabubuhay sa earth. O dba parang mahirap maging swerte lagi.
Engaged na si Wei Li, pero ayaw nyang masaktan yung gf nya kung mawawala sya kya pinacancel nya ang engagement. Gusto nyang magawa ang lahat ng pangarap nyang magawa within that 3 months ng buhay nya kasama na rin dito ang matupad ang kanyang pangako nung bata pa sya na magkikita sila sa Christmas ng 2006 pagdating ng 25 years old nila at alamin ang kasagutan nung sila pa ay bata kung gusto ba sya ni Shen Shen noon.
Dahil naman sa taning na 3 months ng kanyang buhay, yung angel of death ay nagpakabait sa kanya at natuklasan nya na si Shen Shen pala yung bata noong araw sa hospital at kya pala nde nag sasalita dahil sya pala ay pipi.
Dahil nga mamamatay na sya, tinago na lang nya ang kanyang identity kay Shen Shen na sya yung batang nangako sa kanya na mag kikita sila pagdating ng panahon. Syempre namn, ayaw din nyang masaktan si Shen Shen na mamamatay sya. Pero di nagtagal ay mas ginusto na nyang makapiling si Shen Shen sa nalalabi nyang araw, pero nde nya sinasabi ang kanyang taning. Dahil nga nagkakagusto na sialng dalawa at nagkakilala, kung dating strikto to Wei Yi sa pagpapatakbo ng kanilang kumapanya ay nagbabago ng unti unti ng dahil sa piping babae, nagalit ang kanyang tatay. Nagalit yung tatay dahil bumabait na si Wei Yi sa kanilang mga empleyado, nakikinig si Wei Yi sa mga problema ng mga empleyado na ikina imbyerna namn ng kanyang tatay, feeling ng tatay nya ay kinakalaban lang sya.
Hindi maintindihan ni Zhou Jun na kapatid lang ang turing ni Shen Shen sa kanya, kya naman kontra bida sya sa pag kikita ni Shen Shen at Wei Yi. Ginawa nya lahat ng paraan para mapag hiwalay sila. Pero dahil nga bida sila lagi sila pinagtatagpo ng tadhana. Yung ex fiancee ni Wei Yi galti din kay Shen Shen kasi feeling nya malandi ang pipi na ito, para agawin sa kanya ang boylet nya.. na, nalaman din nya na si Shen Shen pala ang childood sweetheart ni Wei Yi. Sya lang ang nakakaalam ng kundisyon ni Wei Yi kya namn naintindihan nya na kahit masakit, para lang lumigaya si Wei Yi binigyan nya ng kaligayahan si Wei Yi na makasama si Shen Shen sa natitirang araw na buhay ni Wei Yi.
Nung nalaman ni Zhou Jun ang situation, pumayag na rin sya dahil may sakit si Wei Yi at may taning na. Binigay na nya yungkaligayahan ni Shen Shen na makapiling si Wei Yi.
Naging masaya namn sila ni Shen Shen pero life is life… kelangan sumunod sa script at story board.. mamamatay si Wei Yi. Magkasama nila hinintay ang pinaka huling oras ng buhay ni Wei Yi at sinunof ang pangako kay Wei Yi na sya ay mabubuhay ng masaya.
By the way, sa last part lang nakapag salita si Shen Shen, nung sinigawan nya si Wei Yi at ang salita lang na sinabi nya ay “Qi Wei Yi, Qi Wei Yi ….I love you!” yun lang po ang script nya. the rest puro sign language.
May pagka spoiler, pero marami ka pa ring kelangan panoorin para mas lalo kang manilawa sa destiny…

Entries (RSS)