Archive for May 10th, 2007

Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi aganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.

E ano’ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi. Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai .
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis “Alam mo kung sino ako?”

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi
nyang “Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing nakakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?”

Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan .

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

Ang sabi natin, “Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang
magpapabago sa aking pamilya?”

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga
kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging
masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John ..F.Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:

“Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon.”

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.

Ipasa ito sa lahat ng Pilipino

Tayu’y Magbasa…. hmmm

SAPOL!

Ni Julius C. Baboa
BULGAR, May 1, 2007

ANG SARAP MAGING SENADOR!

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin ‘yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There’s food for everybody ‘ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !

Election na naman…

Ibat ibang klase na naman ang style nila: Sen. , si Gov, sila Mayor hmmm mga Konsehal at iba pang nde ko nabanggit. Kanya kanya na naman ang gimmik nila magdala ng mga sikat na artista na taga tawag ng tao para sa mga ads, mga asawa mag promote para-makadiscount, mga taga palengke, mga tambay, mga students at kung sinu sinu pa.

Sa tingin nyo, bat ba nde parin nagbago ang sistema ng gobyerno natin. Hindi kaya puro kamote ang mga binuboto natin? Ilang taon narin ang nakakalipas simula pa sa mga unang kandidato? Anu na ba ang nanyari?… Ibat ibang henerasyon iisa pa din ang drama, lahat sila kontra sa isat isa .

Sa history ba ng PINAS may kandidato ba na ikinampanya ang kalaban nya? hmmm kasi lahat sila naniniwala mas magaling sila kumpara sa iba.

Hmm Kaya ang lagi nilang ginagawa ang ay ang maging kontra bakterya sa mga panukalang nagagawa ng isa.

Lahat sila nanganga ko ng pagbabago pero sa tagal ko ng botante, may nagbago nga ba?meron naman kahit panu pero bakit ba namn yung 50 centavos ko nde pde pambili ng kendi. Yung piso nde na masyadu pinapansin. Ilog pasig madumi parin. Lalo pang lumala ang traffic sa EDSA. Mga isnatcher naka taxi na. Mga tambay naka cellphone na. hmmmm May nagbago nga ba?

Lahat nagsasabi gaganda ang Pinas pag binoto sila. pero ilang termino na sila wala ganun parin pangako. Anu yun hindi nila inisip gawin yung mga plano nila ngayun para iboto uli sila? hmmm anak naman ng kamote para pla tong sine may part 1 at part 2.

Pag si SUPER KAMOTE ang binoto nyo. Sigurado ang kinabukasan nyo. Mag isip naman kayo!!!
IBOTO SUPER KAMOTE SA SENADO.