Archive for May, 2007

Check this out!!!!

Inoue Mao as Makino Tsukushi vs. Barbie Hsu as Shancai

January 9, 1987 Makino Tsukushi Shan Tsai October 6, 1976

 

 

 

 

 

 

Matsumoto Jun as Doumyouji Tsukasa vs. Jerry Yan as Daoming Si

 

 

August 30, 1983 Tsukasa Dao ming si January 1, 1977

 

 

 

 

 

 

 

Oguri Shun as Hanazawa Rui vs. Vic Zhou as Huaze Lei

 

December 26, 1982 Rui Lei June 9, 1981

 

 

 

 

 

 

Abe Tsuyoshi as Mimasaka Akira vs. Vanness Wu as Meizuo

 

 

February 13, 1982 Akira vaness August 7, 1979

 

 

 

 

 

 

Matsuda Shota as Nishikado Soujiroh vs. Ken Chu as Ximen

 

Septempber 10, 1985 soujiro ken January 15, 1978

 

 

 

 

 

 

 

Ayan nakahanap nako ng mga info na mas maiintindihan nyo sana… para sa mga addik ehehehe!!

Ang Hana yori danggo bow!! - based ito sa Japanese shoujo manga “Hana Yori Dango” (Boys Before Flowers) by Kamio Yoko.

Makino Tsukushi - Shan Tsai version ng MG ang nag iisang mahirap na nag aaral sa Eitoku Gakuen, yang yung school nila na mga nag-aaral ay yung mga saksakang mayayaman hmm sounds impossible pero nakakatawa… Bida yung Flower 4 or F4, sila ang mga pasaway dito, na nde nman pde pagalitan dahil sila yung pinaka sobrang yamang pamilya sa buong japan… hmm si Domyoji Tsukasa, tagapagmana ng Domyoji World Finance Group; Hanazawa Rui, tagapagmanang anak din ng isa sa mayamang pamilya sa Japan , sya yung medyo misteryoso effect na guy.. na nde mo alam if bading or tomboy.. Nishikado Sojiro, babaero taga pag mana ng tea ceremony school; and Mimasaka Akira, madam killer hmm mahilig sa mga babaeng matatanda sa kanya, pamilya nman yung may mga connection sa mga underground society. OOOohh wag kayong maguluhan ha nde niya kilala si Da Vinci kya nde nya alam yung samahan na Prior of the ahuchuchu ehehehe… Since yung F4 yung parang pinaka boss sa school, sila nag bibigay ng red tag sa mga schoolmates nila na feel nilang pag tripan, tapus ang weird pa kasi lahat ng student nakikisali para pagtulungan ang makakakuha ng Red tag.

Makino gusto lang naman nya makagraduate at matahimik na mundo, since nde naman kasi sya kayamanan, eh wish nya magpaka invisible na lang, pero nde nya naisulat at napadala iyon sa wish ko lang, so nagkaron ng isang kakaibang chance na nde na nya kaya yung mga pinagagagawa ng mga F4 na itetch so nag maganda sya at pinagtanggol yung isang friend nya nasa frendster, kahit nasa 2nd degree na, mega help ang bruha para ipagtanggol kay Domyoji. The next day, Nakakuha ng Red tag si Makino. Kahit na, kinakawawa si Makino halos araw araw.. nde sya nag give up para nde pumasok sa school ng mga praning… Instead lumaban sya sa mga pinaggagwa sa kanya. Nagka crush ang isa sa F4, si Hanazawa Rui sa kanya, na naiinlove na pala sa kanya si Domyoji Tsukasa. Haay nako love triangle pa!! well watch nyo na lang para maka relate din kayo…

Hana yori cast

Sa mga katulad kong wlang magawa sa so-called-life, magkwentuhan naman tayu… pasenxa na kayo wla akong pampanood ng sine kya sa mga Tv series ko lang kaya mag bigay ng review …
Nanoond ka ba ng Hana Yori Danggo? hmm para tong Meteor Garden. Don’t tell me nakalimutan mo n si Dao Ming Si at si Shan Tsai.. yung tumatakbo at hinahabol yung bus tapus nagkakalaglag ang oranges… tapus patutugtugin ang broken vow… ahahaha

Nakakatuwa rin tong Haya nori, e panu mukhang highschool lang talaga sila … hindi yung pinilit maging high school kagaya nila Dao Ming Si , Lei, Meizuo, Xi men (F4) at Shan Tsai. Dahil sanay ka sa kakapanood ng Meteor Garden bka nde mo ito masyadu magustuhan. Pero Matatawa ka parin kahit panu.. Hindi ko lang sigurado sinu ang nang gaya sa kanila, itong Hana yori na gawang Japan or yung Meteor Garden ng mga Taiwanese.

Hmm as usual, F4 ang bida pa rin sa school nila, ang Iskwelahan ng mayayaman… at may mahirap na nag aaral dun si Makino. Halos pareho lang ang takbo ng istorya sa umpisa, hmm may Red Tag, may mga kontra bida kaso dun sa MG 2 lang, yung isang mataba na nka bangs at yung isang naman yung parang kasama sa Shaider.

Meteor garden

Dito yung parang best friend ni Makino (Shan Tsai ng MG) super topak lang, patay n patay kay Tsukasa (Dao Ming si ng MG) tapus galing sya sa mayamang pamilya, as usual betrayed nya si Makino para makuha nya yung lalake. Tapus, yung Lei dito si Rui, nagustuhan talaga nya si Makino na syempre kinauusok ng ilong ng bida. Hmm so yun wla naman masyadung gulpihan dito kagaya ng ginawa kay Shan Tsai… hmm may mga ibang characters na wala sa MG. Nakakatawa kasi yung ate ni Tsukasa pareho ng ate sa MG nanggugulpi, yung nanay nila medyo praning, kasi kung anu anu ang ginagawa para mapag hiwalay yung lovers.. (same as MG) pero ito hmm medyo may topak eh.. tapus weird lang kasi may part dito na nalulugi yung company nila Tsukasa.. wherein sa MG sky’s the limit ang kapangyarihan at pera nila.

Nandito rin yung si Auntie Jade (matandang mayordoma) , natatandaan nyo ba yun yung kakampi nila Shan Tsai sa Mansion… hmm meron din dito kaso medyo nakakagulat yung itsura ahahah parang mangkukulam ehehehe… teka ang cool pa na character dito sa Hana yori yung boss nila Makino ehehehe medyo addik pati si John Lennon naging syota, pati nga si Rudolph eh.. oo tama ka si Rudolph the red nose raindeer) ahahahah Yung secretary ng nanay ni Tsukasa nde sya epal.. in fairness… mabait sya sa kwento pero as part of his job need nya pa din sumunod sa boss nya…
hmmm nakakatuwa rin kasi sa MG na stock sila sa fire exit, dito sa HYD sa elevator.

May part pa dito na sumali si Makino sa Contest… TOJ (Teen of Japan) basta nakakatawa din ang mga eksena dito.. kakaiba kung may ganun talagang mga categories sa contest. hahahah dito sa contest na ito, nanalo yung nanay ni Tsukasa, yung ate nya, si chin.. yung gf ni lei/Rui. Naisip nila magtatangagp ng nanay ni Tsukasa si Makino pag nag karoon sya ng Title.. any way panoorin nyo if nanalo… nde ko nmna balak sabihin lahat.

Of course nde mawawala ang mga magiging Fiancee ni Tsukasa, na mag papaka plastic naman si Makino. Dito nga pala may kapatid si Makino. Praning pa din ang pamilya nya. Pero mas gusto ko kasi yung kakulitan ng nanay at tatay ni Shan Tsai eh…

Yung last part nito yung umamin si Makino na gusto nya si Tsukasa.. in fairness ang hinahabol nya private plane nde bus… tapus yung kwintas nde meteor or star… kundi…. Saturn … uu yung planet.. syempre wag nating kalimutan ang cookies na regalo… na i checherished hangang sa part 2 … ooops uu may part 2 nyahahha…

masaya rin pag nag eenglish sila.. lalo n yung last part Meeerii kristmas…

sa susunod pakita ko sa inyo mga cast pero need komuna mag research.. ok?!