Archive for April, 2007

“Wow maypart 2 ahahaha!”

Pasenxa na kayo dinamdam ko talaga yung nanyari sa airport! nyahahaa joke. Tinamad kasi ako mag isip kung ano magandang ilagay dito eh.. parang nalungkot ako sa nakit ako.

Sa isang maliit na bansa, hindi mo maiialis sakin na magtanung kung bakit KAYA nila gawin tapus tayu na marami ang nakapag aral at nakatungtong sa elementarya, na tingin sa sarili at may agimat ang dugo (nyahaha) ay hindi natin kayang gumawa ng bagay para makatulong sa bansa natin, kahit man lang sa maliit n paraan.

Sa napaka simpleng gawain na wag magtapon ng basura (dito!) nde natin magawa. bawal umihi dito. bawal pumitas ng bulaklak (ahahah meron p bang ganyan?) at ang wlang kamatayang bawal tumawid. nako wlang patawad ang mga pinoy. Sa EDSA nung una kong nakita yang Bawal na salitang yan ay natawa ako kasi naman pag basa mo parang mamatay ka na agad eh. ” BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY” tipong pag humakbang ka mamatay ka na agad ehehe, pero bakit wala pa ring sumusunod? at marami paring insidente na nasasagasaan sa kalye. Sa dinami dami ng mga pinagkagastusang mga street sign, mga kinurakot na mga bakal at sa mga pinasweldo sa mga taong pinangkabit sa mga yan. ayun nasayang lang, tapus pag nahuli hahanap at hahanap ng mga palusot.

Sa simpleng traffic light, yang ang pinaka magandang halimbawa. bakit kelangan ng pulis kung tayu ay marunong sumunod dyan?

Sa tingin ko, ( ito’y opinion lang nman ng isang kamoteng tulad ko) kung ang mga pinoy ay matututong sumunod sa mga traffic lights:

1) siguradong nde na kelangan ng mga pulis na nagbabantay sa mga kalsada. Mas marami pang pedeng gawin ng pulis, maari na silang mang huli ng masasamang tao o magbantay ng seguridad ng mga mamamayan kesa sa naka tambay mag hapon sa kanilang istasyon. At mangotong!! at mag imbento ng kung anu anong violation ahahaha!

2) Mabilis ang traffic dahil wlang tatawid tawid dahil siguradong yung mga tao sa pedestrian ay nde na tatawid basta basta. Magkano ang pintura na ginastos dyan para maging proyekto ng isang Congressman, Mayor o Brgy. Captain sa lugar nyo, na wlang ibang maisip kundi mag lagay ng pedestrian lane na hindi nman ginagamit ng mga tao? hmm milyong project na sana ay nagamit sa ibang matinong project.

3) Kung sakaling maayus na tayo sa pagsunod sa mga traffic lights ay iiwasan na mag-istasyon ng pulis sa kada kanto para mangotong. hmmm maganda yun! yang ang isa sa mga dahilan bakit sila nakakaisip mangotong, dahil sa maghapong nakatunganga at nakakakita ng mga pasaway na hindi sumusunod sa batas. Nakikita nila na ayaw nating mag-paabala basta basta kya kunwari ay titiketan ka nila para magbigay ka ng kotong. Kya ang magandang pang iinis n naisip nila at ABALAHIN tayu!

4) Hindi na magpapatayo ng mga overpass na sobrang weird sa layo ng main na daanan ng tao. Panibagong proyekto na nman ni Mayor o Congressman. SOWS!

5) Mababawasan na ang pagpapalagay ng mga traffic lights sa mga lugar na halos kada isang kanto ay may traffic light. wow galing mo mayor!! tapus after ilang taon ay aayusin ang panobagong route na nde na gagamitin uli ang mamahaling traffic light!

6) Magiging maayus ang daloy ng taffic para sa mga motorista. Maiiwasan ang mga away sa kalsada na isa paring paraan para makadagdag sa traffic. Isipin mo ang isang sasakyan na magkabanggaan sa isang lane sa EDSA siguradong traffic yun! at kung ikaw ay naka taxi o naka bus patay ka sa metro ngtaxi siguradong may dagdag pa at sa bus siguradong kelangan mo na magpadeliver ng pagkain dahil tatagal yan!

7) Magiging interesado ang mga pinoy sa salitang pag hintay. Hinde lang nila lam ganu kadali ang maghintay ng signal para tumawid kesa ang mahagip ng malaking sasakyan. Masakit ata ang maoperahan ng dahil sa nasagasaaan ka. mas maraming buhay ang maliligtas. Ang hospital bill hala!! goodluck! 8) Mababawasan ang pag iisip ng mga pulitiko na mag isip ng mga project sa katulad ng mga nasabi kanina para lang may masabi na may nailagay silang proyekto. wow puno na naman ang bulsa ng mga pulitiko!

9) Mas maganda kung lahat tayu ay may konting ipagmamalaki sa ibang bansa kahit man lang sa pagsunod pag dating sa traffic flow! . Ang alam lang nila lasi sa pinas ay may pinaka malubha ang traffic.

10) Marami pang iba kaso inaantok na ko eh para mapag patuloy ko pa ito ehehehe =P

“Hay nako , buti nman at nakauwi rin ako sa inggay at usok !”.

Masasabi ko lang bakit kaya KAYA nila tayu hinde.

Hmm maganda pala talaga pag disiplinado ang mga tao.

Dito palang ako sa airport natin, medyo nakakainis na. Sigurado ako hinde lang ako ang naka-experience ng mga gantong mga bagay bagay. Alam nyo ba yung metal detector? hmm dahil nga ako ay may pagkamote, nakalimutan ko yung aking napakagandang cellphone na kahit magnanakaw at hindi kukunin at baka maawa pa.

Ang nanyari tumunog! huwaw alert sila. Pinabalik ako para pumasok ulit. Ang nakakagulat dun ay pinalagay yung cellphone ko sa xray at nung nagtatanung ako kung baka naman meron silang lalagyan dahil baka masira yung cellphone ko. Kahit naman ganun yun, aba nakakapagtext parin yun ha.

“Ikaw, pang ilang beses mo na pumasok?! ” sabi nung babae na nag iinspection na nakatayo. Syempre sinabi ko “2nd time palang ho dahil nga may tumunog!”. Padabog nyan hinila yung cellphone ko at nilagay na sa xray. Wala na akong magawa kundi maghintay sa kabilang dulo at kamustahin ang nanyari sa cellphone ko. Medyo 5mins na kong naghihintay ng napansin ko na nalaglag na pala sa ilalim yung phone ko. Oo sa ilalim nung machine, Haaay nalaglag sya dahil nga wlang lagayan man lang, etu yung metal detector dun sa unang pagpasok mo pa lang ng pinto. Kaawa-awang cellphone. Sana lang ay umabot sya sa pagbalik namin dito sa pinas.

Dahil nga excited ako, hindi nako masyadung nagreklamo. Naisip ko na lang ako aalis at sya ay nandito padin mag susungit ng magsusungit hangang pagbalik ko.

Alam nyo ba, na maliit lang pala talaga ang bansang Singapore? hmm mga buong Quezon City lang halos or mas malaki pa ang “kyusi”. Pero bakit ang mga pinoy doon ay marunong at alam ang salitang DISIPLINA!.

Bakit kaya yung mga dito sa pinas ay para atang nakalimutan na ang salitang yun. Anu kaya ang problema?

Nakakatuwang isipin dahil kahit na maliit lang ang bansang Singapore ay sumusunod ang mga tao nila dito. Naiintindihan nila ang salitang DISIPLINA.

Aba, pag dating ko pa lang sa Airport, halos parang kawawalis lang at kakalinis lang nila. Walang basura sa paligid. Akalain mo yun?, sa napakasimpleng bagay natutuwa nako. Hindi lang kasi siguro ako sanay ng maayus at malinis na paligid (lalo na yung pampubliko). Walang panghi kang maamoy at mga kalat sa paligid.

Masaya namn sa tingin ko ang nakita ko dun, kahit na nakakalungkot isipin na ang DISIPLINA pala ay nababago pag nsa ibang bansa ang pinoy at natutununan nilang magpakumbaba. Sana lang gawin muna natin dito. Simulan natin dito bago tayu lumayo.

Nakakawalang gana, sa susunod na lang ako magkukwento anu ang mga pinaggagawa ko.

 

Wala ako magawa ngayun, Naisip ko i-share sa inyo ang panibago kong adventure.

Merlion

Alam nyo ba na pupunta ako sa Singapore. Huy mga chong, nde ako mayaman. Ito’y isang pagkakataon lamang. Gusto ko lang sabihin sa inyo ang mga bagay na nalaman ko at kinakatakutan ko.

Samahan nyo ko sa aking paglalakbay.

First time ako pupunta sa bansang Singapore, kya naman natatakot ako. Dahil bukod sa first time, first Time ko din mag-travel mag-isa. Nyahahah ayus ba ang trip ko sa buhay. Maiba nman dba ahahaha.

Kinakabahan tlaga ako kasi bka maligaw ako. Dito nga sa Pinas ay pde talaga akong bigyan ng kamote award. Hindi ako marunong tumawid at naliligaw pag nag ko-commute. Natatakot ako sa mga paikut-ikot na daan na nilulusutan at pinapasukan nang mga jeep. Hinde ako mayaman inuulit ko. Sadyang Tangga lang talaga ako sa daan. Nag-aral kasi ako na tricyle lang ang gamit ko para ko makapunta sa iskwelahan. Nung tumanda naman ako isang jeep lang ang sakay ko nandun na ko. walang kahirap hirap diba?.

Chaka ko na sa inyo ikukwento ang mga iba ko pang kamote adventure. Sa ngayun, pag-usap muna natin ang kakaiba kong trip.

Singapore

Singapore is an island-state in Southeast Asia. Founded as a British trading Colony in 1819, Since independence it has become one of the world’s most properous contries, sporting the world’s bussiest port. Combining the skyscrapers and subways of a modern, affluent city with a medley of Chinese, Indian and Malay influences and a lush tropical climate, with tasty food, good shopping and a happening, vibrant nightlife scene, this Garden City makes a great stop over or springboard into the region. (sana lang bayaran ako ng Singapore).

Naintindihan nyo ba? ang haba eh.. ehehehe Basta base sa sinasabi nya eh talagang mukhang maganda ang Singapore. Sa mga kwento na narinig ko malinis daw talaga dito.

Sa pag-punta pa lang ng aiport kinakabahan na ako. Maniniwala ba kayo na dun pa lang ako maghahanap ng hotel. Galing ko noh. Tapang ko ba?. Naniniwala ako na madadagdagan na naman ng masayang experience ang kamote trip na ito.

Sa mga katulad ko. Sana makatulong sa inyo ang mga impormasyon na mababasa nyo dito.

  1. Alam nyo ba na hindi na pala uso ngayun ang plane ticket na kagaya dati na may ilang pages. Isang papel na pala ngayun or print out na galing sa ticketing office ang ibibigay sa’yo para ipakita sa airport. Sabi nila sa airport na raw ibibigay yung ticket. 3 hrs before the flight dapat nsa airport ka na. Ang tagal para sa kagaya kong mag isa lang mag bibiyahe. - haaaaaaaaaay
  2. Mga 3 hrs and 15 mins ang biyahe papunta. Parang isang traffic lang sa Edsa pag rush hour ang layo. Ganto rin halos ang pag punta sa Cebu. Pag punta sa Baywalk pag galing ka ng Quezon City pag traffic o higit pa nga. Para ka lang nag yosi break (ng ilang stick ha eheheh).
  3. Ang taxi sa kanila ay may dagdag na 50% surcharge pag gabi. Sana naman wag gayahin dito sa Pinas yan. Pero ang SG$10 ay malayo na raw ang mapupuntahan mo nun. Nagbibigay ng sukli ang mga driver dito hanggang sa pinaka last cents. Wag ng mag tip dahil hindi ito uso sa kanila. Isipin mo na SG $32 = Php 1. Mag isip isip bago mag tip. Sa mga may pera goodluck sa inyo.
  4. Bus - ang kabilin-bilinan sakin ay wag pumara kung saan saan, dahil meron silang mga bus stop at strikto sila sa pag-sunod at pag papatupad ng batas. Dahil hindi ako marunong tumawid malamang mag hahanap ako ng bus stop. Wag nang magdala ng bubble gum sa kagaya kong mag isa mag biyahe hindi nman siguro masama na sundin ang mga bilin. Singapore’s Squeaky cleanliness is achieve in part by strict rules against activities that are tolerated in other countries. For example: Jay-walking, spitting, littering and drinking and eating on public transport are prohibited. Chewing Gum, famously long banned, is now available at pharmacies if you ask for it directly, show your ID and sign the register (Importing it is, theoretically, still an offence though)
  5. Meron silang Ez-link na tinatawag, ito ay ang pangkaraniwang ginagamit sa pag bayad ng MRT (na meron din sila), sa bus at sa ibang vending machines. Para syang card na ginagamit natin sa MRT kaso medyo sosyal na version. Hindi nabubura ang picture na kagaya ng satin na mahihirapan kang hanapin kung anu ba ang dapat na portion na ipapasok kapag nagagalti na sayo yung nasa likuran mo dahil nahihirapan kang mag-isip anu nga ba ang tamang direction para maipasok ang card sa tamang pwesto.
  6. Kagaya ng ibang bansa, meron din ditong lugar na makikita ang maraming pinoy. Sa lucky plaza sa Orchard rd. Wag nyo na tanungin kung saan yun dahil baka hindi ko rin mapuntahan dahil baka mawala ako. Swerte ko lang if mapuntahan ko yang lugar na yan. Meron din ditong mga tiangge!! ahahah sa kagaya kong wlang pera masarap isipin na makakabili ka ng murang damit kung sakaling nde ko kaya magpalaba pag dating dun.
  7. Magdala ngmaraming supply ng Tissue. Tama ang narinig nyo, hindi raw uso sa kanila ang tissue. Meron man, may bayad nga lang. Kung ikaw daw ay kakain sa mga kainan tulad ng foodcourt at mga medyo highier level ng carinderia, wag kang umasa na bibigyan ka ng tissue, unless kakain ka sa talagang mamahaling restaurant. Para makaiwas at makatipid mag dala na lang kayo. Karamihan daw ng kanilang pag kain ay medyo maanghang. Mag inggat sa kakapili tignan muna ang picture bka magulat ka pagdating ng inorder mo.
  8. Language : Mandarin Chinese and Tamil. Various dialects (Hokkien) and other Indian languages are also spoken. Meron din namang nag Eenglish, mag baon ng maraming ingles para may paraan kang makipag usap sa ibang tao. Kung wla ka talagang mahanap na baon, maghanap ng kapwa Pilipino - ahahahah!
  9. Banned in Singapore: (theres more to the list than just porn and drugs) Overhead wires, Sattelite Dishes, Standing water, Freestanding billboards, Malaysian newspapers, Feeding pigeons, Oral sex (except as foreplay) - yikes!
  10. Dito binitay si Flor Contemplation!!. Ang famous line na ” I did not kill anybody!!” — wag pasaway!! nde uso dito ang ” Boss, bka namn pde P100″ na palusot! nyahahahaha

Sabi nga ng famous na motto ” Bahala na si Batman”.

Hayaan nyo, pagdating ko ikukwento ko sa inyo ang mga bagay na nalaman ko. Ang mga kakaibang bagay at mga ka-kamotehang pinaggagawa ko.

Sana lang meron trabaho na papagbiyahihin ka lang tapus papakwento sa’yo anung klaseng lugar yun, para nman dumami pa ang mga maikwento ko sa inyo.

Hanggang sa muli!!!